Magkaibigan Lang Kami (Original Composition of Elle)

Hindi pa ako handa noong nakilala ko siya,
Takot akong magmahal sa di ko lubos na kilala.
Ang sagot niya sa aki’y maghihintay siya,
Hanggang sa matutunan ko ang pagpapahalaga.

Lumipas ang maraming araw at napuna ko,
Napapasaya na ako ng taong ito.
Handa ko na kayang ibigay sa kanya ang puso ko?
Wala akong ibang marinig na sagot kundi, “Oo”.

Kaya ibinigay ko sa kanya ang aking sagot,
Bahala na itong puso ko ang managot.
Wala naman akong nararamdamang takot,
Dahil ang mundo ko sa kanya na lang umiikot.

Madami rin ang umaasang sagutin ko sila,
Pero tanging sa kanya lang may kakaiba.
Ang katotohanan ay napakaswerte nya,
Dahil ang puso ko ang tinitibok lang ay isa.

Ngunit di ko alam kung saan ako nagkamali,
Masaya ako pero sya hindi.
Kinabukasan ang saya ay napalitan ng hikbi,
Nang ipamalita nya sa lahat na “Magkaibigan lang kami”.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s