Love Journey Part 1: The Story Begins… 

Naaalala mo pa ba? Noong una tayong nagdate sa Plaza at bigla na lang tayong nagholding hands kahit hindi pa tayo, no words spoken, basta naramdaman na lang natin na gusto natin ang isa’t-isa.
Fiesta noon sa bayan natin at binilhan kita ng bracelet na kapareho rin ng bracelet ko, isinuot ko yun sa iyo at masayang-masaya ka. Habang sinusuot ko pa nga sa iyo nasabi mo na lang na, “Hindi na yan matatanggal pa dahil panghabang-buhay na tayong dalawa.” Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa sinabi mo kaya ngumiti na lang ako. Pagkatapos ay bumili tayo ng shake at ibinulong mo sa akin ang mga salitang mahal mo ako ngunit hindi ko man lang sinagot ng mahal din kita sa halip ay naisagot ko na lang sa’yo ang ganito, “Sasama ba ako sa’yo kung hindi rin ako gano’n?”.

Naaalala mo rin ba yung gabi-gabi mo akong hinahatid pauwi at walang kapaguran ang pag-I love you mo sa akin. Noong first time kong iassign na tumulong sa restaurant kung saan ka nagtatrabaho at hindi ko alam ang gagawin ko, may time pa nga na muntik na akong mapahiya sa customer kasi hindi ko alam ang pangalan at presyo nung pie… Kahit may ginagawa ka non, agad mo akong pinuntahan at itinuro mo sa akin kung papaano gawin lahat. Nadarama ko ang kasiyahan mo kapag ngumingiti ka sa akin pagkatapos ay nakukuha ko pang simangutan ka.

Kapag nagkakasalubong tayo sa loob ng restaurant ay lasimple mong hinahawakan ang kamay ko para walang makahalata. At noong minsang inaway kita dahil hinayaan mo lang ako na asarin ng ex-boyfriend ko, nagsorry ka pero inaway pa rin kita. Hindi ko malaman kung bakit mo hinayaang gawin sa akin yun basta puro ka lang sorry. At yung panahong binuking ka ng katrabaho natin na pumatol ka sa may asawa, hinawakan mo ang kamay ko sa haral nila at napansin kong gusto mo ng lumuha sa pagpapaliwanag sa akin na huwag akong maniwala sa kanila.

Naaalala ko rin kung gaano ka ka-sweet sa akin at tinanggap mo ako ng buong-buo kahit hindi ako ganoon kaganda.

Habang naglalakad tayo sa plaza, pumitas ka ng gumamela at ibinigay mo sa akin pero tinapon ko lang yun na dapat itatago ko yun dahil iyon ang first time na binigyan ako ng bulaklak. Pagkatapos, nagpick-up line ka at tinanong mo kung train ba ako…sabi mo “because you make my heart beats faster”…dapat yayakapin kita pero nasabi ko pa sa’yong ang Korni mo sabay tayo at lakad palayo sa iyo.

Habang naglalakad tayo, tinanong ko sa iyo kung bakit mo ako nagustuhan eh hindi naman ako maganda. At sinabi mong, “Maganda ka”.

At dumating yung araw na nagpaalam ako sa iyo dahil luluwas na ako papuntang Manila, sabi mo mamimiss mo ako at sabi mo pa baka makakita ako ng mas gwapo pa sa’yo… tinawanan lang kita dahil hindi ko kayang ipangako sa’yong hindi ako titingin sa iba. Dapat isasagot ko sa iyo ang ganito: Aanhin ko pa ang mga gwapong iyon kung walang makakapantay sa pagmamahal mo sa akin? Tsaka ikaw ang pinakagwapo sa paningin ko at mahal na mahal kita!

Noong may nakikipagtextmate sa’yo at sinabi mo iyon sa akin, sa halip na i-erase ko yung number nung babae eh pinilit la kitang itext sya… para akong tanga dahil sarili kong boyfriend ay ibinibigay ko sa iba. Thankful ako kasi mapagpasensiya ka, inuunawa mo ako at ako pa ang makitid ang utak.

Naaalala mo rin ba noong umuwi ka sa inyo at ayaw kong sumama kaya kahit through text ay pinakilala mo ako sa ate mo. At kapag tinatamad akong puntahan ka sa trabaho mo ay tinetext mo ako at pag hindi kita nireplayan ay pinapaloadan mo pa ako basta malaman mo lang ang kalagayan ko.

Ang kalokohang ginawa ko sa’yo ay nang uminom ako, nakita mo ako at pinigilan mo ako pero nagmatigas pa rin ako at pinilit ko ang gusto ko. Sinigawan pa kita ng, “Wala kang pakialam!” kahit na obviously meron dahil bf kita. Wala kang nagawa at umalis ka, akala ko pinabayaan mo na ako pero kumuha ka ng baso at hinati mo ang iniinom ko… hindi ka umiinom pero straight mong ininom yun sa harap ko at sabi mo, “Para hindi ka malasing.” At nakuha pa kitang tawanan sa halip na yakapin ka dahil napatunayan mong gagawin mo ang lahat para sa akin, sa halip na maturn-off ka sa akin eh sinamahan mo pa rin ako ng gabing iyon at hindi mo alam na patago akong uminom pa ng isang bote ng beer kaya nalasing ako.

Umupo tayo sa labas ng bar, nandoon ang ex ko at bigla mong hinawakan ang kamay ko. Dahil naging mga kaibigan ko rin ang mga kaibigan mo pati ang ex ko, umupo tayo na kasama sila. Sandali pa ay nagkasagutan kami ng ex ko dahil inuungkat pa niya ang nakaraan at gusto niyang makipagbalikan. Naiinis ako sa iyo dahil parang wala ka sa tabi ko, hinarap ko ng mag-isa ang sitwasyon at hindi ko man lang naipagmalaki na boyfriend kita at mahal na mahal kita. Hanggang sa nagwalk-out ako at hindi man lang kita sinama. Inalok mo ako na ihahatid mo ako pero tumanggi ako kasi may kasama naman ako non pauwi. 

Inakay ako ng kasama ko at nung makarating kami sa kanto ay nakita kong sumunod ka pala at tumatakbo ka papalapit sa akin. “Bakit ka pa sumunod? Sinabi ko na sa’yong kaya na namin!”, sigaw ko sa iyo.  “Ihahatid na kita, lasing ka na eh.”, sagot mo.  Wala na rin akong magawa dahil pinipilit mo talagang maihatid ako.  

Habang akay mo ako sabi mo ang yabang ko, sagot ko naman sa’yo “Tinapos ko lang ang kayabangan non., nakakainis na kasi!”.  Tumungo ka at sinabi mong, “Akal mo ba hindi ako nasasaktan?  Naiinis rin ako pero ayaw kong magsimula ng away.” Nabigla ako sa sinabi mo pero hindi ko man lang pinahalagahan ang naging rason mo. Maya-maya malapit na tayo sa tinutuluyan ko, paulit-ulit mong sinasabing mahal na mahal mo ako, sinampal kita ng malaks at sinabihan kitang ‘plastik’ pero hindi ka nagsalita.  Pagkatapos mo akong maihatid tinanong ako ng kasama ko, “Sinong plastik? Sya nga ba o ikaw?  Totoo sya sa’yo pero ikaw parang hindi”.

Magdamag kong pinag-isipan ang sinabi nya sa akin at nagsorry ako sa iyo, gusto ko ng mahalin ka ng totoo… Kaya nung nagkita taho ay agad kitang niyakap at hinalikan mo ako.  Nagsorry ka kasi hindi mo ako mai-date ng ayos kaya nangako kang magde-date tayo sa Linggo bago man lang ako umalis kinabukasan. 

Naaalala mo pa din ba noong tinanong ka ni mama  kung Girlfriend mo nga ba ako at hindi ka nagdalawang isip na sumagot ng oo pero hindi mo alam na hindi ang sinagot ko nung tinanong nya ako kaya napahiya ka sa harap ng katrabaho mo at sinabing kinakahiya kita.  Napansin ni mama na abala ka sa cp mo kaya sinabi niya, “Hay naku kung kayo ng anak ko ay ayomong makikitang may katext kang iba”.  Pero hindi ka nagtetext kundi hinahanap mo yung text ko sa iyo na mahal kita para mapatunayan mong tayo nga.

At dumating yung gabi na pinangako mong magdedate tayo, hindi ako nagpakita sa iyo sa halip eh pinuntahan ko yung kawork mo na bestfriend ko din.  Sinabihan niya ako na lumayo na sa iyo kasi niloloko mo lang daw ako, marami ka raw na nililigawang babae at alam niyang makakasama ka lang para sa akin.  Naniwala naman ako sa kanya at iyon ang napakalaki kong pagkakamali sa iyo, hindi man lang kita binigyan ng pagkakataon na magpaliwanag.  Agad kong tinanggal ang bracelet mo at nagmadali akong umalis.  Paglabas ko ay saktong kauuwi mo lang dahil hinhintay mo ako sa tagpuan natin, nakatingin ka sa akin pero umiwas ako at parang hindi kita nakita.  Tinawag mo ako at sinabi kong hindi na ako sasama, bakas sa mukha mo ang pagkagulat sa pagtanggi ko.  Parang nagtatanong ang reaksyon mo dahil wala akong sinabing dahilan man lang.  Para sa akin ay break na tayo pero hindi mo pa yun alam.  Sinundan mo pa ako pero pilit kitang itinataboy, sorry mahal! sorry!!! Patawarin mo ako sa ginawa kong pananakit sa iyo!!! Please!  Naiiyak ako sa mga ginawa ko sa iyo…sa lahat ng pananakit.

“Jane anong nangyari? manlilibre ako ngayon di’ba, bakit?”, tanong mo sa akin pero itinaboy pa rin kita.  Tumalikod ka sa akin at parang nagslow motion ang mga pangyayari, nakatungo ka at parang nahihirapan kang isipin kung ano nga bang nangyari.

Kinabukasan paluwas na ako ng Manila at sinabi mo kay mama na itext ako dahil hindi kita nirereplayan…Through text sinabi kong break na tayo…it’s my fault..sorry talaga.  Sinabi ko na lang sa iyo na baka hindi talaga tayo ang para sa isa’t-isa pero ngayon pipilitin ko na…mahal na mahal kita!  Kulang pa ang lahat ng sakit na ito na nararamdaman ko…sorry pero mahal na mahal kita!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s