Storya ng Playboy

Grade Six: First crush niya pero hindi naman siya crush nito.

First Year Highschool: Naging crush niya yung cute na girl sa kabilang room pero hindi niya malapitan dahil kasama lagi ang mga kaibigan niya.

Second Year highschool: Sinubukam niyang magparamdam ng feelings niya pero inuunahan siya ng kaba.

Third Year Highschool: Naglakas loob na siya at idinaan sa love letter pero anonymous naman ang nakalagay kaya hindi rin siya nakilala nung girl.

Fourth Year Highschool: Naghintay siya ng pagkakataong makausap si Girl para umamin pero sinabi nito na bata pa sila at hindi pa siya pwedeng magboyfriend.

College: Nagtiyaga syang manligaw, hatid-sundo nya kung kinakailangan, ubos ang allowance para lang bilhan ng miryenda at nagpupuyat para makatext ito.  Mas inuuna pang replayan si Girl bago magbukas ng libro.

Graduating: Sinagot na siya ni Girl.

Job Hunting: Mas naunang nakakuha ng trabaho si Boy at ginastusan si Girl para makahanap ng trabahong gusto niya.

Working: Pareho na silang busy pero gumagawa pa rin siya ng paraan para magkasama silang dalawa, pinakilala siya sa pamilya ng Girl at nagkasundong magpakasal kapag may ipon na sila.

Sunod sa luho si Girl, naubos ang ipon ni Boy at hindi maalok ng kasal.  

May nakilala si Girl at iniwanan si Boy.  Sobrang nasaktan si Boy, hindi makakain, hindi makatulog ng ayos at nagulo ang kanyang buhay.  Inalok ng barkada para makalimot, nakipagkilala sa kung sino-sinong babae at natutong makipaglaro, makipaglokohan at maging manhid sa nararamdaman.  Pinangako sa sariling hindi na siya magmamahal ng totoo dahil pare-pareho lang naman sila aniya.  Marami siyang nasaktan at nilokong babae at halos isumpa siya ng mga ito pero alam ba natin kung saan at kung paano sila nagsimulang maging ganito? Dahil din sa sakit na dinulot sa kanila ng taong minahal nila ng wagas at totoo.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s