One on One

The generation of 2020, wherein things are really changing so fast.

Akala ko dati true love does exists, napaniwala ako noong highschool ako. Talagang niremind ko ang sarili ko na makikilala ko din ang right guy at the right place and at the right time. But it didn’t go exactly as I knew. Akala ko talaga…akala ko lang pala.

At the age of 26, living as one of ‘millenials’ daw well hindi na ako nasisiyahan sa buhay na tinatahak ko ngayon. Due to certain factors na hindi ko inaasahang mangyayari pala sa akin.

Sabi ko pa sa sarili ko I won’t become my parents, hindi ako papayag na maghihiwalay lang kami ng partner ko, hindi ko hahayaang mawala yung love and I will be loyal and true to him, he will be my one and only and he will be my last, sabi ko pa hindi akp magsasawa nor mapapagod kahit ano pang problema ang pagdaanan namin.

Well sabi ko lang pala yun.  Iba na pala kapag nasa mismong scene ka na, hindi scripted, walang take two, walang double actor at hindi mo na mababawi lahat ng nagawa at nasabi mo.

I can’t point out kung saan nagsimula at kung kailan pero all I can remember is that it started with one fucking lie.

Published by E L L E

My third life has a purpose.

Leave a comment